Kanseladong pasok sa Nov. 12- 15, hindi totoo

FAKE NEWS.
 
Ito ang tugon ng Malakanyang sa lumabas na anunsyo di umano ng Presidential Security Group o PSG nasuspendido trabaho at klase sa Nobyembre 12 hanggang 15 dahil sa 31st ASEAN Summit.
 
Kumalat kasi sa social media gaya ng Facebook ang nasabing anunsyo ukol sa isang apat na araw na walang pasok sa mga  nasabing petsa.
Naka-post na kasi sa social media na suspendido ang pasok sa trabaho at ekuwelahan sa mga nasabing petsa para bigyang-daan ang ASEAN Summit sa Metro Manila.
Ani Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang inilalabas na anumang deklarasyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa usaping ito.
Ang lumabas aniya sa social media ay hindi opisyal at hindi galing sa Malakanyang.
Sa ASEAN summit, inaasahang darayo sa bansa ang matataas na lider ng bansa gaya nina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
Ang Pilipinas ang host country ng ASEAN summit sa taong ito, kaya punong-abala ang gobyerno.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga dialogue partners ang gobyerno ng Pilipinas na tapusin na ang giyera sa Marawi City at extremism sa Mindanao.
Inihayag ng mga ministers na dumadalo sa 11th Meeting on Transnational Crimes at sa Second Special Meeting on the Rise of Violent Extremism na dapat na matapos sa lalong madaling panahon ang karahasan sa Marawi kasabay ng kanilang pangakong suporta sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.
Kasama ang China at South Korea sa pagpupulong bilang dialogue partners ng ASEAN.
Sinabi ni Interior and Local Government OIC Catalino Uy na nagpahayag ng pagkabahala ang mga ASEAN ministers at dialogue partners sa nangyayaring terorismo sa Mindanao at tiniyak ang kooperasyon sa pamamagitan ng mas mahigpit na koordinasyon sa bawat isa.
Ang ASEAN ay kinabibilangan ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar at Cambodia. KRIS JOSE
 
 
loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply