Kelot kinatay ng kaaway sa Maynila

PATAY ang isang binata nang saksakin ng lalaking kanyang naka-argumento sa Tondo, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Teorica, 26, binata, walang hanapbuhay, ng 1300 Area G, Gate 7, Parola Cmpd. sa Tondo na nasawi rin habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga saksak sa katawan sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang alyas ‘Jan-jan,’ na residente ng Area H, sa Parola Cmpd., at sinasabing siyang may kagagawan ng krimen.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, nabatid na dakong 1:00 ng madaling-araw ay nagkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at suspek, sa hindi pa batid na kadahilanan, sa Apec Cmpd. sa Pier 2, Tondo.

Sa kainitan nang pagtatalo ay bigla na lang bumunot ng patalim ang suspek at kaagad na tinarakan ang biktima saka mabilis na tumakas.

Ayon kay Sanjoy Balboa, 30, nakarinig na lang siya ng sigaw ng babae, na may pinagsasaksak sa lugar, at nang kanyang tingnan ay nakitang duguan na ang bitkima kaya’t kaagad na itong isinugod sa pagamutan ngunit nasawi rin. JOCELYN TABABGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply