Lola dedo sa magnanakaw

BAGUIO CITY – Namatay kahapon (September 19) ang isang 77-anyos na babae sa kamay ng isang magnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Lot 1, Block 3, Phase 1, Richview Square, Bakakeng sa nasabing lungsod.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang biktimang si Lourdes Teodoro, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, sinabi ng BCPO na hinampas ng suspek ang ulo ng biktima sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, sa salaysay ng anak ng biktimang si Dr. Emily Teodoro Estares, naiwang mag-isa ang kanyang nanay at nakita na lamang nila na isa na itong malamig bangkay pag-uwi niya.

Nabatid na may nawawalang pera at ibang importanteng kagamitan ang bahay kung kaya’t pagnanakaw ang hinihinalang motibo ng pulisya sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang follow-up investigation ang BCPO hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply