LPA sa Caraga, magiging bagyo

MALAKI ang posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, maaaring maging tropical depression ito sa loob ng susunod na 36 -48 oras.

Kapag naging bagyo, tatawagin itong “Nando” na ika-14 na sama ng panahon para sa 2017.

Huling namataan ang LPA sa layong 460 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Partikular na binabalaan sa malakas na buhos ng ulan ang Caraga at Davao.

Habang mahina at paminsan-minsang ulan lamang sa Eastern at Central Visayas, pati na sa iba pang parte ng Mindanao. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply