‘Maring’, ‘Lannie’ magpapaulan pa rin sa pag-exit

KAHIT kapwa lumabas na ng Philippine area of responsibility (PAR), magbabagsak pa rin ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang tropical cyclones “Maring” at “Lannie”, ayon sa pahayag ng PAGASA kaninang Miyerkules ng umaga.

Huling namataan ang tropical storm Maring sa layong 370 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales, habang ang typhoon Lannie ay huling namataan sa layong 605 kilometers northeast ng Basco, Batanes.

“Parehong bagyo ay malapit nang lumabas sa boundary ng PAR,” pahayag ni PAGASA meteorologist Nicos Peñaranda sa isang press briefing.

Bagama’t ibinaba na aniya ang lahat ng storm signals, magdadala pa rin ng light to moderate rains sa Palawan, Oriental Mindoro, Zambales, Bataan at Batangas.

Inaasahan namang gaganda na ang panahon simula sa Huwebes.

Magkagayunman, isang cloud cluster na nasa silangan ng bansa, ang maaaring mamuo sa isang low pressure area (LPA) o brewing storm ngayong linggo, pahayag ni Peñaranda.

Ang bagyong Maring, na naging sanhi ng pagbaha at landslides sa haos kabuuan ng Luzon, ay nag-iwan ng limang patay habang pito naman ang nawawala. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply