Mexico inuga ng magnitude 7.1 na lindol

mexico1

UMABOT na sa higit 40 katao ang namatay matapos na tumama ang 7. 1 na lindol sa Mexico.

Sinabi ng Mexican authorities, naitala ang mga namamatay sa Morelos Estate malapit sa sentro ng lindol sa timog kanlurang bahagi ng Puebla City.

Nagpapatuloy ang rescue operation sa mga biktima na maaaring na-trap sa mga gusaling gumuho dahil sa malakas na pagyanig.

Isinarado na rin ang paliparan sa Mexico City habang hindi pa ina-assess ang pinsala ng lindol sa naturang pasilidad.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong limang milya (8 km) southeast ng Atencingo na nasa central state na Puebla, may lalim na 51 kilometro.

Una na ring naiulat na dahil sa lakas ng pagyanig ay dose-dosenang mga gusali ang gumuho at hindi pa malaman sa ngayon ang bilang ng mga taong posibleng na-trap sa loob.

Tumama ang lindol ilang oras lamang matapos ang isinagawang nationwide earthquake drills sa Mexico City bilang paggunita rin sa naganap na killer earthquake sa nasabing bansa noong 1985. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply