Mga ebidensyang magdiriin kay Faeldon, ilalatag sa Senado

faeldon2

INAASAHANG ilalahad ngayong araw ng Customs broker na si Mark Taguba ang kanyang mga hawak na dokumento na nagpapatunay sa pag-iral ng ‘tara’ o payola system sa Bureau of Customs (BOC).

Ito’y sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw kaugnay sa iligal na pagpasok ng shabu shipment sa bansa mula China na nagkakahalaga ng mahigit P6-bilyon.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, patutunayan nito sa kanyang magiging pagtatanong kay Taguba ang pagkakasangkot ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa naturang anomalya na mariin naman nitong itinatanggi.

Iisa-isahin dito ayon kay Lacson ang mga pangalan na binigyan umano ng suhol ni Taguba mula sa mga pinakamaliit na kawani ng Aduana hanggang sa pinakamataas tulad ni Faeldon.

Gayunman, umaasa si Lacson na pagbibigyan siya ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na mailahad ni Taguba ang mga hawak nitong ebidensya sa kabila ng pagmamatigas ni Faeldon na huwag dumalo sa pagdinig. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply