Mga Pinoy na apektado ng hurricane Irma, uuwi na

irma1

ILANG Filipino na matinding naapektuhan ng hurricane Irma sa Puerto Rico ang nakatakdang dumating mamayang gabi bandang alas-9:00 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mayroong 132 Pinoy na nakalulan sa Philippine Airlines (PAL) chartered flight kabilang ang tatlong buntis, dalawang matanda, isang sanggol, at isang wheelchair-bound na pasahero.

Ang PAL chartered flight ay pinamahalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nabatid na nag-avail ang mga Filipino sa repatriation program ng gobyerno makaraang masira ang kanilang mga tinitirhang bahay ng hurricane Irma na tumama sa Florida, Carribbean Islands, Antigua, Barbuda, Anguilla, Montserrat, St. Kitts, Nevis, Saba, St. Eustatius, Saint Maarten, Saint Barthelemy, British Virgin Islands, Puerto Rico, at Haiti.

Ayon sa isang opisyal ng MIAA, isa sa mga pasahero ay si Consul Katrina Borja Martin na sinamahan ang repatriated Filipinos patungong Manila.

Ang hurricane Irma ay tinaguriang “extremely dangerous” nang mag-landfall ito sa isla ng Barbuda noong September 6, at nanalasa sa Caribbean.

Batay pa sa report, humigit sa 150,000 Filipinos ang naapektuhan ng hurricane Irma. BENNY ANTIPORDA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply