Michael Jordan, Spurs coach Popovich, iba pa, binatikos si Trump

popovich1

TINAWAG ni San Antonio Spurs coach Gregg Popovich na “embarrassment to the world” ang Estados Unidos.

Ito ang naging pahayag ni Popovich matapos ang naging girian nina US President Donald Trump at ng mga professional sports team sa bansa.

Tinawanan din ng three-time NBA coach of the year ang pagbawi ng imbitasyon sa Golden State Warriors para sa pagbisita sa White House.

Ayon sa Spurs coach, pang-isip bata lamang ang naturang gawain.

Una rito, inanunsyo ng Warriors na hindi pa nila napag-uusapan ang pagbisita sa White House.

Kasunod nito, sinabi ng star player ng team na si Stephen Curry na hindi na siya pupunta, dahilan upang ikainis ito ni Trump.

Kaugnay nito, nagbigay na rin ng kani-kanilang mga pahayag ang ilan sa mga personalidad sa NBA.

Sinabi ni NBA superstar Michael Jordan na hindi dapat pagmukhaing masama ang mga naghahayag ng kanilang damdamin.

Karamihan din sa kanila ay binabatikos ang umano’y hindi pagtuon ng pansin ni Trump sa ibang mas mahahalagang bagay.

Bago nito, nagprotesta rin ang mga player ng National Football League (NFL) sa US President dahil sa pahayag nito na “sons of bitches” umano ang mga taong hindi tumatayo kapag pinapatugtog ang national anthem ng kanilang bansa.

Bilang tugon, lumuhod at ang iba ay nanatili naman sa locker room nang pinatugtog ang “Star-Spangled Banner” sa pag-uumpisa ng liga kahapon.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng White House press secretary na si Sarah Sanders na pino-promote lamang umano ni President Trump ang kanilang watawat.

Nauna na ring sinagot ni Trump ang isyu at sinabing bahala umano sila sa kanilang balak gawin. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply