Mrs. Bautista handang tumestigo vs Chairman Andres

HANDANG tumayong testigo sa impeachment hearing ng House Committee on Justice laban kay Comelec Chairman Andres Bautista ang kaniyang dating asawa na si Patricia Bautista.

Sa isang press conference, sinabi ni Patricia na haharap siya kung kinakailangan upang patunayan na meron siyang nalalaman sa lahat ng alegasyon laban kay Bautista na nakapaloob sa impeachment complaint na inihain nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto paras at Atty. Ferdinand Topacio.

 Lalo na aniya sa isyu ng umano’y hindi tamang SALN ni Bautista at ang umano’y katiwalian noong ito pa ang chairman ng Presidential Commission on Good Government.

Kasamang humarap ni Mrs. Bautista sa media ang kaniyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan at ang isa sa mga nag-endorso ng impeachment complaint na si Kabayan Rep. Harry Roque.

 “I stand by the statement contained in my sworn affidavit in the NBI regarding chairman Bautista. His case is now in the hands of the Justice committee in Congress. My role as a private citizen is to simply speak the truth and throw the evidence at hands. Let us allow the investigation to take its course unimpeded by any attempts to whitewash the truth,” ayon kay Patricia Bautista.

Ngayong umaga (Miyerkules, September 20) ay nakatakdang dinggin ng Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Bautista na inindorso rin nina Reps. Abraham Tolentino at Deputy Speaker Gwen Garcia.

Dedeterminahin na ng komite kung ang reklamo ay “sufficient in forms and substance.”

Nauna rito ay sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi maaaring tumestigo si Patricia laban sa asawang si Chairman Bautista na siyang nakasaad sa tuntunin.

“One spouse cannot testify against the other, except if the case is one between them,” paliwanag naman ni Farinas.

Bukod dito, paliwanag ni Farinas ay hindi naman complainant si Patricia. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply