MRT-3 biglang preno sa Mandaluyong, 2 sugatan

mrt2

KAPWA sugatan ang dalawang pasahero ng MRT-3 nang biglang itong nagpreno kaninang Miyerkules ng umaga sa Mandaluyong City.

Nagtamo ng malaking gasgas sa braso ang isang 30-anyos na babae habang nasaktan naman sa dibdib ang isang 68-taong gulang na lalaki na kapwa hindi nakuha ang mga pangalan.

Bukod sa dalawa ay wala nang iba pang naitalang nasaktan.

Ayon sa ulat, nagkaproblema sa signalling system ang bagon ng tren sa northbound ng Shaw Blvd. station kaya ito biglang huminto.

Una rito, nagkaaberya na rin ang nasabing linya ng tren, pasado alas-7:00 ng umaga, at pinababa ang mga pasahero sa Santolan station dahil din sa problema sa signalling system. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply