MRT-3 LAGING ABERYA, BAKIT???

johnny_magalona1035

NADISMAYA na naman kamakailan ang mga pasahero ng Metro Trail Transit Line-3 (MRT-3) matapos na tumigil ang operasyon ng kanilang bagon. Wala na yatang katapusan na aberya ang mararanasan ni Juan dela Cruz.

Ano ba ito? Wala na bang pagbabago at sa tuwi-tuwina na lang ba ay masisira ang tren na ‘yan? Kung kailan nagmamadali ang mga mananakay ay siya namang oras ng pag-aalburuto ng nasabing tren.

Hindi naman natin masisi ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangyayaring ito dahil sa dinatnan na niya ang sangkatutatak na problema na iniwan sa kanya ng nakaraang administrasyon. Sakit sa ulo nina Pang. Digong ang MRT-3.

Mayroon nga tayong 48 na bagong bagon na binili ng nakaraang administrasyon na nagkakahalaga ng P3.8-bilyon pero ayaw ipagamit ni Tansportation Sec. Arthur Tugade.

Ang utos nga niya ay huwag daw gamitin ang Light Rail Vehicle’s (LRV’s) kahit maayos na ang “signaling systems” nito kung wala din lang itong international independent party certificate.

Ang tanong ko naman sa magaling na sekretaryo ng DOTr, kailan po ba natin gagamitin ang mga bagon? Kailangan pa bang makakuha muna tayo ng international independent party certificate? E paano kung hindi tayo makakuha niyan, aber?

Ano, pababayaan na lamang ba natin na mabulok ang P3.8-billion na mga bagon sa halip na magamit? Kahit gawang China, at least, kahit papano ay napakinabangan naman natin ang bil­yones na nilustay ng Aquino administration.

Kung hihintayin naman natin na makakuha tayo ng lintik na sinasabi ninyong certificate, e paano kung mabulok ang mga bagon na ito?
Sino ang sisisihin natin?

Isip, isip huwag puro dakdak. Hehehehe!

MGA MAKINA SA CABUYAO, HINDI MATIBAG

Sa kabila ng mahigipit na ipinatutupad na kampanya laban sa 1602(illegal gambling) ay patuloy naman inopereyt ni Rico ang kanyang mga makina (VK) sa Cabuyao, Laguna.

Ewan natin bakit hindi kumikilos ang mga kapulisan sa nasabing bayan hindi ko sinasabi na malaki ang hatag nitong si Rico sa hepe ng pulisya diyan.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-emailsa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply