Music festival sa France tinumbok ng kidlat, 15 sugatan

SUGATAN ang 15 katao na ang dalawa’y malubha nang tumama ang malakas na kidlat sa isang tent habang nagaganap ang isang music festival sa northeast France.

Dalawa sa mga biktima na may edad 60-pataas at isang 44-year-old na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang insidente.

Nabatid na direktang natamaan ng kidlat ang nasabing mga biktima.

Ayon sa ulat, tinamaan ng kidlat ang malaking tent kung saan nasa loob ang ilang festival goers na malapit sa isang mataas na puno.

Bago isugod sa ospital, nilapatan na ng emergency team ng paunang lunas ang mga sugatan.

Kabilang din sa mga isinugod sa ospital ay dalawang bata na pawang may edad 10 pataas matapos makaranas ng pagka-shock.

Dahil sa insidente, kinansela na ang lahat ng evening concerts sa lugar. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply