Nambato ng upuan binaril, kritikal

emergency4

NASA kririkal na lagay ang isang lalaking nambato ng silya sa gitna ng kalsada matapos itong pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo na inakalang binato siya ng biktima kagabi, Sept. 12, sa Navotas City.

Si Abednego Plana, 31, Brgy. NBBS ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at kaliwang braso na agad na isinugod ng kanyang kaibigan sa Tondo Medical Center kung san patuloy na inoobserbahan.

Bago ito, nag-iinuman si Plana at kaibigan nito sa Mandaragat St., Brgy. NBBS pasado alas-9:30 ng gabi at sa hindi malamang dahilan ay kumuha ng silya ang biktima sabay at inihagis sa gitna ng kalsada kung saan nagkataon namang parating ang suspek sakay ng motorsiklo na may angkas na dalawang katao.

Kinilala ang suspek ng ilang mga saksi na si Yuki Reyes, ng Tumana, Brgy. NBBS subalit sa halip na humingi ng paumanhin ang biktima ay nakipagtalo pa umano ito sa suspek.

Sa gitna ng pagtatalo, biglang bumunot ng baril ang suspek at malapitang pinaputukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo kasama ang dalawang kaibigan nito kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad pa sa pagkakaaresto sa suspek. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply