P80M ACCESS ROAD SA SIMUNUL

johnny_magalona1035

SA tulong at pagpupursige ni Tawi-Tawi Gov. Rashidin H. Matba ay napapakinabangan na ng mga residente ng Simunul, pati na rin ng nagpupuntang mga bisita sa bagong access road na bahagi ng P80-milyong infrastructure package sa Brgy. Tubig-Indangan na daan sa Sheikh Karimul Makhdum Mosque na historical at tourism site.

Kabilang ang proyektong ito sa P80M budget para sa pagpa-paunlad sa Sheikh Makdum Cultural Center na ang layunin ng proyekto ay preserbasyon at pag-promote ng cultural at historical significance ng lugar.

Mismo sina Tawi-Tawi Gov. Matba, Public Works and Highways Don Mustapha Loong at Tawi-Tawi District Engineer Toni Kamlan, kasama rin si Gov. Mujiv Hataman, ang sumaksi noon sa inauguration rites na dinaluhan din nina Simunul Mayor Bonjing Abdurahman at iba pang ARMM officials.

Ang Sheikh Karimul Makhdum Mosque, ang pinakaluma sa Pilipinas na isang National Historical Landmark na idineklara ng National Historical Commission at kinilala bilang National Cultural Treasure ng National Museum ng bansa.

Sa pamamagitan ng ARMM regional legislative assembly, isang management board ang binuo upang pangasiwaan, ang preserbahin at i-promote ang Makhdum Mosque bilang isa sa mga historical landmark ng Bangsamoro ngunit ang mosque ay nasara dahil sa ginawang restoration at rehabilitasyon.

Bukod sa tourism development projects ng regional government sa Simunul, ito rin ay nakapagsakatuparan na ng humigit kumulang P321M halaga ng mga proyekto sa bayan mula noong taong 2012.

Kabilang dito ang konstraksyon ng mga tulay, seaport, flood control at water system at saka 12 kabuuang bilang ng road projects sa Simunul na may halagang P191.5M at mayroon na itong 64.42% physical accomplishment.

Ang mga proyektong ito ay bahagi ng regular infrastructure program ng ARMM DPWH.

PUWESTO PIJO NG SAKLAAN SA CAVITE

Matatag pa rin at hindi nagigiba ang mga pwesto pijong pasakla ni Alwin sa mga bayan gaya ng Tanza, Noveleta at Rosario na pawang sa lalawigan ng Cavite.

Ibang klase ang pasaklaan na ito ni Alwin dahil kahit ginagawang tambayan o nagiging sentro ng bentahan ng drugs ay hindi pa rin ito hinuhuli o binubuwag ng kapulisan ng Cavite sa pamumuno ni Cavite PD Supt. William Segun.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply