Pacquiao lilipat ng Blackwater

TIKOM pa ang bibig ni Pinoy boxing champ Sen. Manny Pacquiao sa kanyang mga susunod na hakbang kaugnay ng napabalitang pagkalas niya sa Kia Picanto.

Nabatid na nag-expire nitong nakaraang buwan ang kontrata ni Pacquiao sa team, kaya natapos na rin ang kanyang stint bilang player ng koponan.

Ayon sa mga ulat, lilipat ang dating playing-coach ng Kia sa Blackwater Elite.

Bunsod ito ng pagiging magkaibigan nila ng team owner na si Dioceldo Sy, na isa ring supporter ni “Pacman.”

Nabatid na hindi naman ito itinatanggi ni Sy at sinabing hindi pa nawawala ang offer nito kay Pacquiao na sumali sa kanyang ballclub.

Napag-alamang haharapin ng Kia ang koponan ng Star Hotshots sa kanilang final game sa Biyernes.

Hindi naman nabanggit kung pupunta si Pacquiao sa nabanggit na laro. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply