Patay sa Central Mexico quake, pumalo na sa 250

earthquake

UMABOT na ngayon sa halos 250 ang bilang ng mga namatay matapos tumama ang 7.1-magnitude na lindol sa Central Mexico, na may lalim na 51 kilometro.

Batay sa local media sa Mexico, kabilang sa bilang ng mga nasawi ang walong mga bata at isang guro matapos gumuho ang isang paaralan. May napabalita ring may 11 estudyanteng ang na-trap sa guho.

Ayon naman sa national seismology service ng Mexico, nakaranas pa sila ng 11 aftershocks na ang pinakamalakas ay magnitude 4.0.

Inilunsad na rin ng gobyerno ng nasabing bansa ang libreng transportasyon para sa lahat.

Ginugunita naman ng Mexico ang September 19, 1985 earthquake, 32 taon na ang nakalipas kung saan tumama ang magnitude 8 na lindol na ikinamatay ng 9,500 katao.

Halos isang linggo naman ng maganap ang 8.1 magnitude na lindol na tumama sa southern coast ng bansa na ikinasawi ng 61 tao. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply