Patay sa lindol sa Mexico, 90 na

mexico2

SUMIRIT na sa mahigit 90 ang namatay sa magnitude 7.1 na lindol na tumama sa Mexico.

Ayon kay Mexico President Enrique Peña Nieto, nakapagtala rin sila ng hindi bababa sa 27 gusali na gumuho bunsod ng malakas na lindol.

Sa bilang ng mga namatay, 42 ay mula sa Morelos state ayon sa kanilang gobernador na si Graco Ramírez, habang 30 naman ang namatay sa Mexico City.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad para mailigtas ang iba pang naipit sa mga bumagsak na gusali.

Ilang oras bago tumama ang lindol, nagkaroon pa ng seremonya sa Mexico para gunitain ang magnitude 8.0 na lindol na tumama sa kanila noong 1985.

Samantala, wala pang Pinoy na napaulat na nasugatan sa nasabing lindol.

Ayon kay Philippine Ambassador to Mexico Eduardo Jose de Vega, sa ngayon wala pa silang nakukuhang ulat na mayroong Pinoy na nasaktan sa magnitude 7.1 na lindol.

Limitado aniya ang pagkalap nila ng impormasyon dahil walang kuryente sa Mexico.

Patuloy aniyang makikipag-ugnayan ang embahada sa Filipino Community para malaman kung mayroong naapektuhang Pinoy.

Ikinuwento ni De Vega na bago nangyari ang lindol, nagsagawa pa ng earthquake drill ang mga awtoridad bilang paggunita sa malakas na lindol na tumama noong 1985. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply