PBA superstars hindi sinali sa FIBA cup sa China

chot-reyes1

IPINALIWANAG ni coach Chot Reyes ang dahilan kung bakit wala sa official line-up ng Philippine team na sasabak sa FIBA Asia championships cup ang mga PBA players na lumahok sa mga unang practice ng koponan.

Ito’y kasabay ng puna ng ilang basketball fans na dehado umano ang team sa nasabing liga dahil sa kawalan ng mga beterano.

Paliwanag ni Reyes, hindi naman ito national team tournament kundi isang club tournament.

Dahilan rin ito kaya hindi nababanggit ang pangalang “Gilas” sa pagtawag sa koponan.

Sumabay rin kasi ito sa PBA Governor’s cup kaya aniya, kinailangan nilang maghanap ng mga hindi PBA players para mapuno ang roster.

Kahapon lamang, inanunsyo na ang mga pangalan ng manlalarong lalahok sa FIBA cup sa China.

Binubuo nina Kiefer Ravena, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, magkapatid na Jeron at Jeric Teng, Almond Vosotros, Jett Manuel, LA Revilla, Norbert Torres at Alfrancis Tamsi ang line-up ng team.

Kasama rin sina Isaiah Austin at Rod Ebondo sa roster ng koponan bilang reinforcements. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply