PEACE TALKS NA NAMAN

johnny_magalona1035

BALAK daw muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na kunsultahin ang kanyang mga security cluster kaugnay sa gagawing pagbabalik muli ng “peace talks” sa grupong mga maka-komunista.

Ayon kay Presidential Spokeperson Ernesto Abella, ikokonsidera muna ng Pangulo ang lahat ng mga namatay na inosenteng mamamayan at pagkawasak sa mga ari-arian na sinira ng mga rebelde bago niya desisyunan uli ang isinusulong na negosasyon ng magkabilang panig.

Sa opinyon ko, kung ang muling pagbabalik ng “peace talks” ang siyang magiging daan para tuluyan nang mawakasan ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig, bakit hindi?

Pero hindi kasi ganon ang nangyayari,dahil habang nag-uusap ang mga delegado ng magkabilang panig sa “peace talks”ay kaliwa’t kanan naman ang nangyayaring patayan kaya nga kinansela ni Pang. Duterte ang ikalimang round ng “peace talks” dahil sa hindi pagtupad ng makakaliwa sa itinakdang panuntunan.

Ano pa ang silbi ng pag-uusap na ito kung patuloy pa rin na sinusuway ng bawat isa ang mga panuntunan o guideline sa “peace talk?” Hindi ba wala? Bakit kailangan pang ibalik ito?

Sinasayang lamang natin ang oras sa peace talk bukod pa sa bilyong pisong ginugol ng gobyerno sa mga kasama sa delegasyon sa nasabing “peace talk” na wala rin lang nangyayari.

Tama lang na itigil na natin ang “peace talks!”

Bakit kanyo? Eh, wala ring silbi. Ok lang kung ang magkabilang panig ay kanyang manduhan ang kani-kanilang mga tauhan na kapag sinabing “ceasefire” dapat walang sinoman ang gagamit ng dahas o puwersa.

Kung hindi rin lang nila kayang suhetuhin ang kanilang mga tauhan ay bakit kailangan pang magkaroon ng peace talks ganong wala ring mangyayari rito kung mismo ang mga tauhan mo ay sumusuway sa iyo.

‘Yun lang yun. Tangna ninyo, Hehehe.

NAGKALAT PA RIN ANG SUGALAN

Walang kwenta ang kampanya laban sa illegal gambling ng Philippine Natonal Police dahil patuloy pa rin ang operasyon ng mga video-karera na inoopereyt ng mga pulis na sina Sgt. Borero at Alan sa Calamba at isang Maj. Bembong sa Nagcarlan, Laguna.

Ang siste pa, drug addict ang mga player at mismo sa puwesto ay lantaran din ang bentahan ng illegal na droga.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply