Plakang “8” ng mga kongresista ipinatatanggal

plate-number1

NAKABUBUTING tanggalin na lamang ang special protocol plate na “otso” para sa sasakyan ng mga mambabatas sa halip na parliamentary immunity.

Ito ang panawagan ng ilang mambabatas bilang tugon sa hirit ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas para sa mga kongresistang masasangkot sa traffic violation.

Kapwa iginiit nila Navotas Rep. Toby Tiangco at Marikina Rep. Miro Quimbo, hindi naman dapat na magkaroon ng kakaibang treatment sa kanilang mga mambabatas kumpara sa mga karaniwang motorista.

Kasunod nito, hiniling ni Tiangco sa liderato ng Kamara na ilabas ang listahan ng mga mambabatas tulad nila ni Quimbo na hindi kumuha o gumagamit ng special protocol plate. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply