Private plane bumagsak sa Romblon

plane-crash1

BUMAGSAK ang isang aircraft sa San Agustin, Romblon kaninang alas-11:00, Lunes ng umaga.

Sinabi ni Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng Police Regional Office 4-B, ang eroplano ay bumagsak dakong 11 a.m. sa pagitan ng Brgy. Agbayi at Binongaan, na may 50 kilometro ang layo mula sa Tablas Airport.

Ang karagdagan aniyang detalye tulad ng deskripyon ng aircraft at pangalan ng crew at pasahero ay hindi pa nakukuha.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at ang local police ay nakikipag-koordinasyon na sa airport’s control tower, dagdag nito.

Nabatid din na ang aircraft na bumagsak ay isang private plane.

Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala pa silang natatanggap na report hinggil sa insidente. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply