Religious school sa Malaysia nasunog, 25 dedo

fire1

KUALA LUMPUR, MALAYSIA – Nalitson nang buhay ang halos 25 katao matapos lamunin ng apoy ang isang religious school sa Kuala Lumpur, Malaysia kaninang Huwebes ng umaga.

Sa ulat, nagsimula ang apoy dakong 7:55 a.m. sa Tahfiz Darul Quran Ittifaqiyah.

Sinabi ng direktor ng fire and rescue department na si Khirudin Drahman, nasa 25 ang kumpirmadong namatay na ang 23 ay pawang mga estudyante habang ang dalawa nama’y mga warden ng paaralan.

Sinabi pa nitong isa ang sunog sa “worst fire disaster” sa loob ng 20 taon, dahil sa dami ng namatay.

Hindi pa tinukoy ng awtoridad ang edad ng mga nasawing mag-aaral pero naglalaro ang kanilang edad sa 5 hanggang 18-anyos.

Napag-alamang ang mga Islamic tahfiz ay kinaroroonan ng mga batang nag-aaral ng Koran at madalas na nakatira na rin sa loob mismo ng paaralan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply