Richard Gomez, nakipagtarayan sa isang basher!

richard-gomez1

RICHARD Gomez lambasted his wife Lucy Torres-Gomez’ fans who just asked kung ano ang boto niya during the botohan for the budget of the Commission on Human Rights na nakakuha ng P1,000 budget for 2018.

Imbes na sagutin ng yes or no, ito ang sagot ni Goma, “The Congressman voted for what is good for their districts. That is why they called representative, they represent their own district. Sana tumakbo na lang din kayo para ang ingay niyo sa social media, dalhin nyo sa Kongreso.”

Pinalagan ito ng Pinoy Ako blogger who posted, “Ms. Lucy hindi nag iingay lang ang constituents mo, they are asking you a valid question, na sana sinagot mo na lang instead of letting your arrogant husband answered the question that was intended for you.

At tanong lang po, paano po naging good sa constituents niyo po sa Ormoc ang pagbibigay ng 1000 na budget sa CHR?

“Tapos di pa nakuntento asawa mo sa pagiging arogante, sinabihan pa niya ang nagtatanong sa yo na, ‘Really, which area are you from and I’ll check if you are speaking the truth.’

“Ganun ba ang pamamalakad niyo sa distrito niyo, pag may pumupuna sa yo sa social media, ipapahanap niyo?”

Sinagot pa ni Goma nang pabalang ang mga nagtatanong and said, “Sige nga pakitaan Tayo ng grades. Nag graduate ka rin ba? Doctorate? Masters? Meron?

“Arogante talaga ako SA puro daldal lang na tulad mo. Gawa ka ng maganda para SA bansa,” dagdag pa niya.

One guy commented, “Misis nya known Marian devotee pero voted for the death penalty in other words just like most Sarado Katolikong Pinoy – a hypocrite!!”

Agad-agad ang sagot ni Goma, “Hypocrite? Sipain kaya Kita?

“Hambog talaga ako. At Yung pagtago sa ilalim na la Mesa turo yan SA Amin. Kailan kaya Ang lindol SA inyo? Ungas!” dagdag pa niya.

Ang chika ni Pinoy Ako blogger ay may binura nang post si Goma. Bakit kaya? Hindi kaya niya napanindigan ang kanyang mga posts?

“Tapang tapang niyong magbantang mananakit ng kinuyog kayo magbubura ng tweets? Duwag!” pahabol pa ni Pinoy Ako Blog.

Any reaction, Goma?
***
Hindi pala natuloy ang book signing ni James Reid sa Manila International Book Fair dahil nagkagulo ang fans.

“Sorry for what happened at the MIBF it was totally disorganised. I hope no one got hurt,” tweet ni James.

Ang daming tao sa nasabing book fair at nagkagulo nang dumating si James. Naipit nga ang binata at inalalayan siya ng security guards palabas ng event.

Sa rami kasi ng tao ay hindi kinaya ng security marshals na i-secure ang dyowa ni Nadine Lustre. Minabuti na lang nila na ilabas ng venue ang actor para hindi na magka-stampede.

Nakabibingi nga ang hiyawan at sigawan na narinig namin sa isang video. Meron daw nahimatay siguro dahil sa tension at sa init na rin siguro dahil sa rami ng tao.

Kaloka, sikat na sikat pa rin talaga si James Reid!!! UNCUT/ALEX BROSAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply