Rollback sa produktong petrolyo, nakaamba

INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis bukas, Setyembre 19.

Batay sa abiso ng DOE, posibleng bumaba ng P0.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel habang P0.05 naman sa kerosene.

Ayon kay Energy Usec. at Spokesman Felix Fuentebella, bunsod ang naturang rollback ng mababang demand sa mga produktong petrolyo habang nananatiling mataas ang suplay nito sa world market.

Batay sa pinakahuling tala, naglalaro sa P29 – P37 ang presyo ng kada litro ng diesel habang mula P40 – P50 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply