Salpukan ng 2 bus sa EDSA, 3 sugatan

police-line2

TATLO ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa kahabaan ng EDSA-Orense sa Makati.

Sangkot sa aksidente ang isang Nova Bus at isang Nafti bus na umano’y nagkakarera sa kahabaan ng EDSA kaya nagbanggaan.

Wasak ang windshield ng Nafti Bus habang may tama naman sa likod ng bus ang pinsala ng Nova Bus.

Ayon sa MMDA Road Emergency Group, kabilang sa mga nasugatan ang isang babaeng pasahero at dalawang lalaki kabilang ang driver ng bus.

Nagkaroon ang mga ito ng minor injuries at agad dinala sa ospital.

Nagdulot naman ng matinding traffic sa northbound lane ng EDSA ang nasabing aksidente. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply