Seguridad sa libing ni Kulot, hinigpitan

GUWARDIYADO ng mga tauhan ng Department of Justice (DOJ) ang libing ni Reynaldo de Guzman, a.k.a. Kulot.

Kapwa pinasuot ng bullet proof vest ang mag-asawang sina Eddie at Gabriel habang magkabilaang binabantayan ng mga armadong security.

Magugunitang nilagay ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang mga magulang ni De Guzman sa Witness Protection Program (WPP) para sa kanilang seguridad.

Unang idinaan sa San Antonio Abad Parish ang labi ng 14-anyos na binatilyo at doon nanawagan ang ama nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan silang ituloy ang kaso ng kanilang anak.

Matapos nito ay agad din silang tumulak papuntang Pasig Public Cemetery para ilagak sa huling hantungan ang bangkay ni Kulot.

Maaalalang natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ni De Guzman matapos ang lagpas isang linggong pagkawala nito kasunod ng pagkapatay ng 19-anyos na si Carl Arnaiz na sinabing huling kasama nito. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply