Standhardinger, humabol sa PBA deadline draft applications

standhardinger1

LALAHOK ang Fil-German na si Christian Standhardinger sa PBA Rookie Draft na gaganapin sa darating na Oktubre 29.

Nabatid na nagsumite ng kayang application si Standhardinger sa mismong araw ng deadline ng draft applications para sa mga Fil-foreign players.

Sakaling ma-draft, maaari umanong hindi makasali ito sa first half ng season dahilan sa nag-commit itong maglaro para sa Hong Kong Eastern Lions sa isasagawang ASEAN Basketball League (ABL).

Magugunitang sinalihan ng 6-foot-7 na player ang mga laro ng Gilas Pilipinas sa 39th Jones Cup, FIBA Asia Cup at ang katatapos lamang na 29th Southeast Asian Games (SEAG).

Ilan rin sa mga nag-apply para sa draft ay sila Davon Potts, Jason Perkins, Andreas Cahilig at Julian Sargent.

Samantala, nilinaw naman ng Gilas cadet na si Bobby Ray Parks, Jr. na hindi muna ito papasok sa PBA draft ngayong taon.

Ayon kay Parks, prayoridad niya ngayon ang makapaglaro ng isa pang season sa Alab Pilipinas team na sasabak sa ABL.

Sinabi rin nito na saka na nito pag-iisipan ang susunod nitong hakbang pagkatapos ng nabanggit na liga.

Posible umanong maisama sa top 3 pick ang 6-foot-4 na guard sakaling ikonsidera nito ang pagsali sa draft. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply