Supporters ng administrasyon, dagsa na sa Quiapo

produterte1

UNTI-UNTI nang dumadagsa ang mga supporter ng kasalukuyang administrasyon sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ngayong umaga.

Sa panayam kay SBMA Director Benny Antiporda, isa sa punong abala sa nasabing pagtitipon, inaasahang aabot sa mahigit 50,000 supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makikilahok para sa National Protest Day.

Aniya, ang pro-Duterte protest sa Plaza Miranda ay hindi upang tapatan ang ikinasang rally naman ng mga anti-Duterte sa Luneta mamayang hapon.

Dagdag pa ni Antiporda, nais lamang ipakita at ipabatid sa bayan ang mayorya o ang mas nakakaraming sumusuporta sa tunay na pagbabago sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nilinaw din nito na hindi ang Malacañang ang bumuo ng nasabing pagtitipon kundi mga indibidwal na patuloy na naniniwala sa mga magandang nagawa ng administrasyon.

Ilan sa mga grupong nakiisa sa rally ng “Ituloy ang Pagbabago” ay ang PDP-Laban, DDS Metro Manila Federalismo, Association of Barangay Captains of Olongapo City, Kilusang Pagbabago (KP-MMDM), I am DU30 Humanitarian Group, Inc., at Acts OFW Party-list.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pro-Duterte supporters lulan ng mga bus mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig-lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply