Suspek sa UST hazing nakalabas ng bansa

ust frat 2

KINUMPIRMA kahapon ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakaalis na ng bansa noong Martes ng madaling-araw ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ng UST law student Horacio Castillo III dahil sa hazing.

 Ayon kay BI Port Operations Division chief Red Marinas, walang pumigil kay Ralph Cabales Trangia, 22, nang sumakay ito ng EVA Air flight BR262 patunong Chicago, USA dakong ala-1:53 ng madaling-araw.

Aniya, pinayagan nilang makaalis ang suspek dahil wala pa ito sa watch list order. Dagdag pa nito na natanggap nila ang inisyung Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) noong Miyerkules ng ala-una ng hapon.

 Si Trangia, kasama ang amang si Antonio, at isa pang UST law student na si John Paul Solano ay pinaghahanap ng pulisya sa pagkakasangkot nila sa hazing na ikinamatay ni Castillo.

Batay sa police report, pag-aari umano ng matandang Trangia ang sasakyang ginamit sa pagdala ng katawan ni Castillo. BENNY ANTIPORDA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply