Taxi inabandona, driver nawawala pa rin

DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District- General Assignment Section(MPD-GAIS) ang isang ginang dahil nawawala ang kanyang mister.

Ayon kay Gng. Jovelyn Pobre, ang mister na si Timoteo Pobre, 49, at residente ng Floodway, Rosario, Pasig ay mahigit isang linggo nang nawawala.

Aniya,umalis ang kanyang mister noong Setyembre 13 at umuwi pa ng tanghalian upangag-abot ng pera.

Muli din umanong bumiyahe ang biktima subalit mula noon ay hindi na nakabalik pa ng kanilang bahay.

Agad namang nagtungo ang ginang sa pinagtratrabahuhan ng mister at dito nadiskubreng hindi rin ito nakabalik pa.

Makalipas ang ilang araw ay natagpuan ang kanyang minamanehong taxi na may plakang UWE 409 Sagittarian taxi na inabandona sa harap ng SM Hypermarket na matatagpuan sa Malate, Maynila.

Ayon sa ulan, basag na ang windshield ng taxi sa likurang bahagi ng upuan. Natagpuan din ang bag ng driver  pero wala na itong laman. Sinabi pa ng ginang na wala itong alam na problema o kaaway ng mister JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply