TIWALA KAY DIGONG BUO PA RIN

sa-kantot-sulok

NAKITA sa isinagawang National Day of Protest ang hindi matawarang lakas pa rin ni Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino.

Sa kabila kasi ng mga batikos, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng masa kay Digong.

Ang magkakahiwalay na malalaking rally sa Plaza Miranda sa Quiapo at Mendiola sa Maynila sa pangunguna ng PDP at Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ay pagpapakita lamang ng malawakang suporta ng iba’t ibang sektor sa mga polisiya ng Pangulo at sa giyera nito laban sa illegal drugs.

Patunay lamang na hindi natatakot sa multo ng Martial Law na ipinapakalat ng mga oposisyon at dilawang kampo ang nakararaming sambayanang Pilipino.

Ang mga kontra lang naman kay Digong ay ‘yung mga nagtatanggol sa mga kriminal, druglord at mga protektor ng iligal na droga.

Sinasakyan ng maduming pulitika ang kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad, droga at korapsyon.

Malinaw ang mensahe ng taumbayan. Ipagtatanggol ang Pangulo at pamahalaan sa anumang uri ng hamon at laban.

***

Ibinalik na rin ang P678-milyong badyet para sa Commission on Human Rights, sa halip na P1,000 na lamang para sa 2018.

Ngunit hindi ibig-sabihin nito ay pumapabor sila sa pananatili ni Chito Gascon bilang chairman nito.

Ang sabi nga ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, sobrang kapal ng mukha ni Gascon na ayaw pa magbitiw kahit nabunyag na ginagamit lang nito ang ahensiya para sirain ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Ibinalik ng Kamara ang badyet ng CHR dahil naniniwala sila hindi dapat masira ang trabaho ng buong ahensiya upang ipagtanggol ang karapatang pantao ng bawat Pilipino, hindi lamang ng mga “dilawan” o ng Liberal Party.

Ayon sa sources, naka-monitor pa rin ang Kongreso sa mga hakbang ni Gascon lalo’t may kumakalat na impormasyong may international group na nagpopondo sa kanya upang manggulo sa Duterte administration. KANTO’T SULOK/NATS TABOY

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply