1,800 pulis-Maynila magbabantay sa Undas

IPAKAKALAT sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2 ang nasa halos 2,000 kapulisan ng Manila Police District (MPD) upang magbantay sa mga sementeryo.

Sa direktiba ni Manila Mayor Joseph Estrada sa MPD, tiniyak nitong gagawin lahat ng lokal na pamahalaan ang makakaya nito upang mapangalagaan ang seguridad ng inaasahang milyon-milyong dadagsa sa mga sementeryo.

Ayon kay MPD director C/Supt. Joel Coronel, ang kanilang deployment ay magsisimula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2 at nakapokus sa apat na mamalaking sementeryo sa lungsod.

Ito’y ang 54-ektaryang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, ang pinakamalaki sa Metro Manila; La Loma Catholic Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Manila South Cemetery na nasa Makati City ngunit parte pa rin ng teritoryo ng Maynila.

Bukod pa ito sa mga foot at mobile patrols at mga checkpoint sa buong lungsod, dagdag ni Coronel.

Tutulong din aniya ang iba’t ibang departamento sa City Hall tulad ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Manila Health Department (MHD), Department of Public Order and Safety, at ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Isang linggo bago mag-Oktubre 27, inanunsyo ni Coronel na magsasagawa rin sila ng “sustained police operations” sa loob ng mga sementeryo laban sa mga kriminal na maaaring nagtatago doon, at para itaboy din ang mga taong-kalye.

Noong isang taon, mula 1.5 hanggang dalawang milyon ang bumisita sa mga sementeryo sa Maynila, ayon sa hepe ng MPD.

“We are expecting the same number will be visiting, most particularly on November 1. Normally there will be a high from 1 million to 2 million on November 1,” sabi ni Coronel.

“As early as October 27, we will have deployment. We expect that the weekend before November 1, there will be a lot of people who will be visiting the cemeteries,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan ni Coronel ang publiko na magiging mahigpit ang mga bag inspections sa pagpasok sa mga sementeryo: bawal ang alak, baraha, loud speakers, at deadly weapons tulad ng kutsilyo. Bawal din magluto sa loob.

Dineklara nang special non-working holidays ang Oktubre 31 at Nobyembre 1. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply