2 construction worker tepok sa malaking bato

TEPOK ang dalawang construction workers matapos gumuho ang lupa sa loob ng isang school compound na kanilang pinagtatrabahuan sa Lavezares, Northern Samar.

Kinilala ang mga namatay na manggagawa na sina Jonnel Nabor at Elmer Abayon na parehong mula sa Barangay Kalabog, sa bayan ng Victoria.

Nailibing nang buhay ang dalawa matapos silang madaganan ng malaking tipak ng bato habang sila ay naghuhukay sa loob ng Libas Elementary School.

Kabilang sina Nabor at Abayon sa 10 manggagawa ng CE Constructions and Supplies na nagtatayo ng gusali sa loob ng nasabing paaralan.

Nakatayo ang paaralan sa paanan ng bundok, pero hindi naman umuulan nang mangyari ang insidente. JOHNNY ARASGA

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply