3 menor sa Pangasinan, lunod

LABRADOR, PANGASINAN – Tatlong menor-de-edad ang patay matapos malunod sa dagat nitong Sabado (October 21) sa Brgy. Uyong, Labrador ng nasabing lalawigan.

Kinilala ni Labrador police commader P/C Insp. ang mga biktimang sina Ashley Lontoco, Cyruz Vinluan, kapwa 11-anyos, ng nasabing barangay at si Romel Gonzales, 18, ng Brgy. Maniboc, Lingayen, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Cabadu na ayon sa mga nakasaksi sa insidente, naliligo sina Lontoco at Vinluan sa dagat ng nasabing barangay ng napadpad sila sa may malamin na parte.

Dito, nakita ni Gonzales ang dalawa na humihingi ng tulog kaya siya napilitang lumangoy upang iligtas ang dalawa.

Dahil sa sobrang takot, kinapitan nang mahigpit nina Lontoco at Vinluan si Gonzales hanggang hindi na ito makagalaw at pare-pareho silang lumubog.

Natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima hindi kalayuan sa pinangyarihan ng insidente at isinugod sa ospital ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

Babala ng mga awtoridad sa mga bata na huwag maliligo sa dagat na walang kasamang nakatatanda sa kanila upang makaiwas sa anomang sakuna. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply