74 katao sa Afghanistan, patay sa pag-atake ng Taliban

UMABOT sa 44 ang patay sa serye ng pag-atake ng grupong Taliban sa ilang panig ng Afghanistan.

Ayon sa Afghan Interior Ministry, tinarget ng mga terorista sa pamamagitan ng mga suicide bomber ang mga pulis at government facility sa kabisera na Kabul, Ghazni at Paktia Provinces.

Bukod sa mga pulis, kabilang din sa mga nasawi ang 20 sibilyan.

Nasa 48 pulis naman at 110 sibilyan ang nasugatan.

Ito na ang pinakamalaking serye ng pag-atakeng inilunsad Taliban, ngayong taon lamang. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply