Actor Cogie Domingo, tiklo sa anti-drug ops

NATIKLO ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktor at model na si Cogie Domingo kaninang Biyernes ng umaga.

Bukod kay Cogie, na nasa kustodiya na ng PDEA-Calabarzon, isang babae pang hindi nakuha ang pangalan ang naaresto rin sa operasyon.

Una nang nadakip ng PDEA ang taong pinagkukunan ng droga ng aktor pero hindi ibinunyag ang pangalan nito para hindi makasira sa iba pang ikakasang operasyon.

Batay sa mga naunang ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong 2016, sinabing mayroong 54 show business celebrities ang nasa kanilang drug list. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply