Ateneo pasok na sa semis, tinalo ang FEU

NAPANATILI ng Ateneo Blue Eagles ang malinis na 10-0 record sa UAAP Season 80 basketball tournament nang talunin nila ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa iskor na 70-59.

Pinahirapan naman muna ng mga Tamaraw ang Ateneo at nagtapos ang first half ng laban sa 34-27.

Hindi naman nagpatalo ang Blue Eagles at bigla silang nag-init sa fourth period dahilan upang makahigit na sila sa iskor.

Pinagtulungan nina Matt Nieto at Raffy Verano ang pagpapaulan ng puntos sa Ateneo at napasok nila ang 14 points.

Tumipa naman si Ron Dennison ng Tamaraws ng 12 points, habang dinagdagan naman ito ni Arvin Tolentino ng 11 puntos.

Dahil dito, ang Blue Eagles ang kauna-unahang team na nakabulsa ng spot sa semifinals.

Ang mga iskor:

Ateneo 70 – Ma. Nieto 14, Verano 14, Tolentino 7, Ravena 6, Black 6, Asistio 6, Ikeh 5, Go 5, Mi. Nieto 4, Mamuyac 3, Mendoza 0, Tio 0, Andrade 0.

FEU 59 – Dennison 12, Tolentino 11, Cani 10, Parker 7, Orizu 6, R. Escoto 5, Ebona 4, Inigo 4, Comboy 0, Tuffin 0, Ramirez 0, Stockton 0. Quarters: 12-21, 27-34, 47-50, 70-59. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply