Bebot nagbayad ng shabu sa karinderya, timbog

TIMBOG ang isang babae sa Calamba City, Laguna matapos nitong gawing pambayad para sa kaniyang biniling pagkain ang iligal na droga.

Batay sa ulat ng Calamba Police, tumangging ibigay 22-anyos ang kanyang pangalan ngunit mula umano siya sa San Pablo City, Laguna at pinaniniwalaan din na mahigit dalawang buwang buntis.

Ayon kay Calamba Police C/Supt. Sancho Celedio, bumili ng pagkain na nagkakahalaga ng 100 sa isang karinderya sa Brgy. Banlic ang naturang babae at sa halip na pera ang iabot ay isang pakete ng shabu ang ipinambayad nito.

Agad namang ipinagbigay alam ito ng may ari ng karinderya sa mga opisyal ng kanilang barangay at itinurnover sa mga pulisya. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply