Blood type sa ID, oks sa Kamara

LUSOT na sa ikatlong pagbasa ang obligadong paglalagay ng blood type ng bawat indibidwal sa mga iniisyung identification cards ng gobyerno.

Ang nasabing panukala ay inaprubahan ng mga mambabatas bago nagrecess ang sesyon ng Kamara noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales, may-akda ng panukala, mahalagang ilagay ang blood type sa mga ID dahil nakatutulong ito sa oras ng emergency.

Kung masasangkot umano sa aksidente na mangangailangan ng pagsasalin ng dugo ay agad itong maisasagawa kung agad malalaman ng mga rescuers o mga doktor ang blood type ng mga biktima.

“Sa ganitong paraan ay mas maraming buhay ang maililigtas,” pahayag ni Gonzales.

Sa ilalim ng panukala, ang mga ID na dapat may nakalagay na blood type ay ang SSS, GSIS, PRC ID, Birth certificate, drivers license at maging firearm license. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply