Bolts 2-0 na vs Star

meralco11

ISANG panalo na lang at pasok na ang Meralco Bolts sa finals ng PBA Governors’ Cup matapos muling pataubin ang Star Hotshots sa kanilang best-of-five semifinals sa iskor na 98-74 nitong Martes ng gabi.

Nanguna sa panalo ang import ng Bolts na si Allen Durham na nakapagtala ng 18 points, 25 rebounds at limang assists.

Nakapag-ambag naman ng 18 points sa Ranidel de Ocampo habang mayroong 16 points walong assist si Baser Amer at nakapagtala naman si Chris Newsome ng 10 puntos.

Mula pa sa unang quarter ay umarangkada na ang Bolts at hindi na pinahabol at pinalamang pa ang Star.

Umabot pa sa 30 puntos ang lamang ng Bolts sa pagtatapos ng 3rd quarter, 78-48.

Inaasahan naman na maghahada ang Star Hotshots ng panibagong estratihiya para makaisang panalo at tumuloy sa dalawa hanggang sa makuha ang pangatlong panalo at makapasok ng finals. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply