Bolts center Kelly Nabong, suspendido pa rin

kelly-nabong1

NILINAW ni Meralco Bolts coach Norman Black na wala pang balak na alisin ang ipinataw na indefinite suspension sa kanilang center player na si Kelly Nabong.

Ito’y kahit aminado si Black na mayroon silang size disadvantage sa makakalaban nilang Barangay Ginebra sa rematch nila sa PBA Governor’s Cup Finals.

Una rito, sinuspinde ng pamunuan ng team si Nabong matapos ang naging away nila ng kanilang assistant coach na si Jimmy Alapag.

Ayon kay Black, wala pa umanong update ukol sa nasabing pangyayari.

Tikom rin ang bibig nito sa isyu dahil kinokonsidera niya ang privacy ni Nabong at ng kanila mismong koponan.

Iginiit din ni Black na ayaw muna niyang isipin ang naturang bagay dahil nasa kalagitnaan sila ng paghahanda sa championship series.

Sinabi rin ni Black na may size disadvantage pa rin sila kahit na maglaro pa ang 6-foot-5 na si Nabong.

Nanindigan naman ito na hindi sila magpapatinag at haharapin nila ang kalaban may bentahe man sila o wala.

“Even if we had Kelly Nabong, we would still have a size disadvantage, so it doesn’t really… Either way, they’re the biggest team in the league, so that size advantage is going to be there no matter what,” pahayag pa ni Black. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply