Conveyance system sa LRT 2 puwede nang gamitin

MAAARI nang magamit ng train commuters ang bagong gawang conveyance system sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), na kinabibilangan ng 32 bagong elevators at 13 bagong escalators.

Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at LRT-2 Administrator Reynaldo Berroya, ang seremonya ng pagbubukas ng bagong conveyance system sa Recto station sa Maynila.

Ayon kay Berroya, makalipas ang 15- taon na paghihirap ng mga pasahero ng LRT-2, ay napalitan na rin sa wakas ng bago ang mga escalator at elevator at maaari na nila itong magamit.

Nabatid na Mayo 2017 nang simulan ang pagpapalit ng depektibong conveyance system sa LRT-2. Noong panahon na iyon aniya ay wala ni-isa man sa 32 elevators ng LRT-2 ang gumagana ngunit ngayon ay gumagana na itong lahat.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P138 milyon at may layuning mas maging kumportable ang pagbiyahe ng kanilang commuters. MACS BORJA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply