Curry pinagmulta ng $50K sa pagbato ng mouthpiece

PINAGMULTA ng $50,000 o mahigit na P2.5-million si Golden State Warriors star Stephen Curry.

Ito’y matapos na ibato ang kanyang mouthpiece sa mga game officials nang talunin sila ng Memphis Grizzles, 111-101.

Isinagawa ni Curry ang pagtapon ng kanyang mouthpiece nang hindi tumawag ng foul ang referee sa kabila ng obvious na contact sa kanyang pag-drive.

Pinagmulta rin ng $15,000 o P750,000 si Warriors forward Andre Iguodala dahil sa pagbigkas ng mga masasamang salita sa mga game official.

Naniniwala ang NBA star at Golden State Warrior point guard na hindi siya dapat ginawaran ng suspensyon.

Magugunitang matapos ang laban ay sinabi ni Curry na hindi naman niya intensyong direktang ibato sa game officials ang mouthpiece, at baka inisip lamang nito na siya ang kanyang tinarget.

Ayon sa two-time NBA MVP, alam niyang dapat niyang harapin ang $50,000 na multa ukol dito at natuto na siya sa kanyang kamalian. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply