Dagdag-bawas sa presyo ng langis, umarangkada

UMARANGKADA ngayon ang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa kanilang magkakahiwalay na abiso, magtataas ng P0.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Total, Jetti, Petron, Unioil, Eastern, Caltex, SeaOil, PTT, Phoenix, Shell at Flying V.

Samantala, magpapatupad naman ng P0.15 na rollback sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene ang Shell, Flying V, SeaOil, Caltex, at Petron.

Epektibo ang pagbabago sa presyo ganap na alas-6:00 ng umaga para sa halos lahat ng kumpanya, maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kaninang hatinggabi.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad naman ng rollback ang mga kumpanya ng produktong petrolyo. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply