Death toll sa Marawi crisis, pumalo na sa 959

SUMIRIT pa ang bilang ng mga napapatay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot na sa 959 ang bilang ng mga namatay sa apat na buwang giyera.

Ang 757 sa mga ito ang mula sa panig ng teroristang Maute at 47 sa hanay ng mga sibilyan.

Habang aabot naman na sa 155 na pulis at militar ang nalagas sa puwersa ng pamahalaan.

Bunsod naman ng mas pinagting na operasyon ng militar, nasa 1,733 na sibilyan na ang nasagip at 29 na gusali na ang nadeklarang cleared.

Narekober din ng militar ang mga fire arms na sa ngayon ay aabot na sa 759. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply