Delivery boy pinatay sa pagtulog

crime1

TULUYAN nang hindi nagising pa ang isang 26-anyos na delivery boy nang pagbabarilin ng ‘di kilalang gunman habang natutulog sa folding bed sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Redie Mark Paule, binata, water delivery boy, miyembro ng Batang City Jail at residente ng no. 158 Kalamansi St., Tondo.

Ala-1:15 ng madaling-araw nang mangyari ang krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, natutulog ang biktima nang pasukin ng ‘di kilalang suspek at pinaputukan nang ilang beses sa ulo at katawan.

Nang makita ng kapatid ang biktima ay duguan na kaya agad isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklara nang dead-on-arrival.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ang posibleng motibo sa krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply