DepEd district supervisor pinagbabaril sa North Cotabato

TEPOK ang isang opisyal ng Department of Education matapos tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Bernard Viloan, District Supervisor ng DEPED sa South West District.

Sa imbestigasyon, nagmamaneho si Viloan ng kanyang jeep patungong Midsayap Proper nang pagbabarilin ng riding in tandem.

Nagtamo ng fatal shot si Viloan na nagresulta ng agaran niyang pagkamatay.

Patuloy namang nakikipag–ugnayan ang mga pulis sa mga testigo ng nasabing insidente.

Si Viloan ay naging District Supervisor noong 2014 matapos pagbabarilin din ng mga di pa nakikilalang lalaki, ang pinalitan nito sa pwesto na si Ginang Violeta Flores Almazan. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply