Duterte hindi human rights violator – Roque

HINDI naniniwala si incoming Presidential spokesperson Harry Roque na human rights violator si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang dahilan ni Roque, isang abogado at fiscal ang pangulo.

“Hindi pupwedeng human rights violator ang ating Presidente dahil sa kanyang pagiging abogado at pagiging fiscal. Alam niya na kapag pumatay ang pulis na walang dahilan, iyan ay murder,” ayon kay Roque.

Binigyang-halimbawa nito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa nangyari sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos na binaril ng mga pulis-Caloocan nang magsagawa ang mga ito ng anti-drug operation.

Inamin naman ni Roque na hiningi sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa human rights movement na huwag niyang tanggapin ang pagiging Presidential spokesperson.

Subalit hindi niya pinagbigyan ang mga ito dahil ito na ang kanyang pagkakataong masigurado ang obligasyon ng estado sa taumbayan.

Kapag hindi aniya naitaguyod ang karapatang mabuhay ay dapat lamang na unahin ang gampaning ito. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply