DUTERTE IS DUTERTE

HINDI tayo magkakaaway na mamamayang Filipino. Ito ang totoo. Ang nangyayari lang, may kanya-kanya tayong paniniwala na minsan ay nagbabanggaan pero hindi ibig-sabihin ay gulo na. Nareresolba.

Nitong nagdaang linggo ay kakaiba. Napasok tayo ng mga huwad na dayuhan nagpakilala na mga mambabatas sa kanilang mga bansa – mula raw sila sa European Union – bilang “parliamentarians”.

Sa kanilang pagdating sa bansa, nagpakuha ang “European union parliamentarians” ng larawan na may hawak na placards at nagsabing “stop extrajudicial killings”, “stop killing innocents” at iba pa na itinuturo ang sisi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte?

Hayun, natural na magalit si Pangulong Rody at binagyo ng mura ang mga hindot at nadamay ang buong European Unions. Nagsabi ang Pangulo na magsialis lahat ang diplomatikong puwersa ng bawat bansa na miyembro ng EU kasama na ang mga negosyante na nagnenegosyo sa bansa sa loob ng 24 oras!

Makalipas lang ang ilang oras ay nagbigay ng pahayag ang tunay na mga opisyal-diplomata ng European Union na hindi nila opisyal ang mga nagtungo rito. Sinabi nila na sila ay mga aktibista sa EU o street parliamentarians lang pala?

Nang masdan natin ang larawan, may isang hindi mukhang dayuhan.

Siya ay opisyal ng Akbayan, dilawang grupo na si Partylist Rep. Villarin! Akbayad, este, Akbayan pala ang nag-imbita sa mga suwail na dayuhan! Magkano naman ang ibinayad ninyo sa kanila, Cong. Villarin?

Sa pangyayaring iyon, nagliparan na naman ang mga batikos laban kay Mayor DIGONG. Kesyo masyado raw itong marahas pati na ang kanyang marka kapag nagagalit – murang walang kasimpait sa kaaway ng estado!

Kung mayroon mang dapat sisihin ang mga manunuri, walang iba kundi si Cong. Villarin at ang kanyang grupo. Siya, sila ang gumagawa ng gulo. Sila ang nag-imbita at tiyak tayo, sila ang nagbayad ng tiket sa eroplano pati na sa pagtira ng pitong unggoy mula sa EU!

President DUTERTE is real. He talks his walk. Walang kiyeme. Straight to the point. Bakit hindi? Binabastos na siya bilang lider at larawan din ng mga Filipino at ng ating bansa.

Malaya tayo. Malaya ang Republika. Bakit kailangang makialam at magdidikta ang mga dayuhan?

Tapos na ang panahon ng pananakop at pang-aalipin sa atin. Tayo na ang may kapangyarihan sa ating buhay ngayon!

Lahat kayong mga dayuhan, igalang ninyo ang mga Filipino, ang aming kalayaan. And do not challenge our President. DUTERTE is DUTERTE! BALETODO/ED VERZOLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply